Sabado, Agosto 28, 2010

Bad Day

08/28/2010 - Malas


Late na ako natulog kagabi sa pag-empake ko ng mga gamit dahil babalik na ako sa Marinduqe mula sa halos dalawang linggong bakasyon ko sa Laguna. Kanina naman kailngan ko gumising ng mas maaga kaysa sa nakasanayan dahil hindi ako hihintayin ng barkong paalis ng alas-dose ng tanghali mula sa Dalahican Port sa Lucena patungong Balanacan Port sa Marinduque kung tatanghaliin ako ng gising. Kung tutuusin may aalis naman na barko na pang alas-cuatro ng hapon pero mas pinili ko na ung pang-alas-dose ang sakyan para bago mag-gabi ay nasa boarding house na ko sa Marinduque.

Unang alarm ng cellphone ko na ini-set ko ng 7:00am, di muna ako bumangon… snooze for another 5 minutes. After 5 minutes… alarm ulit, snooze. Alarm, snooze, alarm, snooze… ‘Ba teka babangon na ako 8:10 na pala.

Lumabas ako ng kwarto, wala na tao sa bahay, umalis na lahat, walang prepared na breakfast, mabuti na lang bumili ako noong nakaraang gabi ng loaf bread at butter. Eto na lang almusalin ko, kesa naman bumiyahe ako ng bus at barko ng walang laman ang tyan. Di na ako nagkape, walang init na tubig e, asar naman oo, kaya yung left over sa refrigerator na C2 ang ininom ko.

8:30am… oras na para maligo, teka hina ng tubig ah. May tumutulo naman sa gripo sa CR pero kung hihintayin kong mapuno ang isang balde e baka makatulog ako sa loob at lalong di makaabot sa byahe, nagdesisyon akong sa labas ng bahay maligo, may gripo kasi doon dahil labahan ni inay ang lugar na iyon. Naligo ako sa tabi ng washing machine, mga palanggana, timba at mga maduduming damit. Mahirap maligo sa labas ng bahay dahil open-to-the-public-sight ang ganitong eksena kaya kailangang madaliin ang pagbuhos, pagsasabon, pagkuskos at pagbanlaw.

Tumagal lang ng 15 minuto ang pagligo ko, kailangan ko na magmadali kasi kulang na ako sa oras. Almost alas nueve na kasi ng umaga at mag-hihintay pa ako ng bus na may karatulang SM Lucena-Dalahican para dere-derecho ang byahe ko. Kung byaheng Lucena lang kasi ang sasakyan ko e magta-transfer pa ako ng jeepney or tricycle para ihatid ako ng pier at dagdag gastos pa iyon. Alam kong bihira ang mga bus na derechong Dalahican ang ruta, kumbaga sa bawat labinlimang bus na pa-Lucena, isa lamang dito ang derechong pier, kaya natataranata na ako sa pagmamadali.

Plantsa, bihis, inayos ang sarili sa salamin, Alright ready to flight na ako, hila ang mabigat at naguumapaw na luggage at nakasabit sa balikat ang body bag, naglakad ako papunta sa labasan upang mag-abang ng bus. Bakit ganun antagal… alas dies na,.. ay powtek pistahan daw sa kabilang baranggay kaya siguro delayed ang mga bus dahil tyak may mga prusisyon doon na umuuokopa sa isang lane ng hi-way. Kung mamalasin nga naman oo, sunod sunod e. Ilang bus din ang dumaan, kung di byaheng Sorsogon at Legaspi e byaheng Daet, may mga byaheng Lucena din pero wala pang byaheng maghahatid sa akin derechong pier ng Dalahican.

Alas diyes y kinse na ng makasakay ako, maraming pasahero, halos puno ang bus, naupo ako sa isang bakanteng upuan malapit sa unahan ng bus katabi ng isang matandang babae. Dasal ko noon na sana lumilipad ang bus na ito para umabot ako sa hinahabol kong byahe ng barko. Willing ako magbayad ng malaki maihatid lang nya ako ng napakabilis, ganun ka-desperado na ang takbo ng isip ko dahil sa tantya ko e mukhang di aabot. Alas diyes y medya na e isang bayan pa lang ang nailtatakbo ng bus na to e.

Hay salamat, maluwag ang mga kalye, Sabado kasi at walng nagbi-byaheng mga estudyante at mga nag-oopisina, nagkaroon ako ng pag-asa dahil may kulang-kulang oras pa natitira e apat na bayan na lang ang tatahakin ko.

Haha aabot ako, sabi ko sa sarili ko, kasi biente minutos pa e 10 kilometro na lang ang layo ko mula sa pier.

Nakakainis, bakit pag inililibing ang patay e kailangang magmartsa along the hi-way? SOP na ba yun? Bumabagal tuloy ang daloy ng trapiko. Bata pa ako noong namatay ang lolo ko pero di ako naki-join sa mga naglakad, sarap na sarap kaya sa loob ng sasakyan, tapos ako’y paglalakarin! Di na uy. Siguro kung isang kilometro lamang o mababa pa doon ang distansya ng lalakarin tolerable pa pero sinong gugustuhin ang maglakad sa halos apat na kilometrong aspaltadong hi-way?

Bumper-to-bumper na… nasan na ang karo ng patay? Inaabangan ko para makiusyoso na rin sa ibat ibang eksena na maaaring makita ko sa mga naglalakad sa hulihan ng napakabagal na sasakyan ng patay. Yung iba kasi e umiiyak, samantalang tumatawa at nakangiti yung iba, nagdadaldalan pa nga kung minsan at kumakaway sa mga taong kakilala. Siguro yung mga umiiyak e ang immediate family at yung mga nagdadaldalan, nagtatawanan, at mga kumakaway e mga kapitbahay lamang na ang hangad lang sa paglalakad e upang magmukhang mahaba ang pila at upang may libreng sandwich at zest-o. Minsan tama ang mga hinala ko.

Umuusad na ang takbo ng bus na sinasakyan ko pero walang ni anino ng karo ng patay,….

“Sorry for the inconveniences, bridge is under construction, please follow these re-routing suggestion:…”

Tama ba mga nabasa ko? Re-route?

Ano nga naman magagawa ng bus driver kundi ang magre-route, pero Juskupu, ang sinasabi nilang re-route ay nangangahulugan ng pagtahak sa tatlong bayan na aabot ng halos isang oras.

Ok fine, di ko na aabutin ang barko… tanggap ko na, pero ang di ko kayang tanggapin e ang maghintay pa ng apat na oras para sa susunod na byahe dahil ayon na rin sa nabanggit ko kanina na ang sunod sa alas doseng barko e alas-cuatro na. Huhuhu!

042 332 xxxx …

Dialing…

Tinawagan ko ang isang kakilala upang magtanong kung may byahe pa bang alas-dos. Dati kasi e meron, positive ang sagot meron daw pero lumalayag lang daw pag di malakas ang alon.

Alryt, may pag-asa na muli, alas dose pasado pa lamang naman at kung isang oras ang madadagdag sa kakaining oras ng lintek na re-routing na ito e may sapat na oras pa ako.

Ganda ng tanawin sa mga nadadaanang lugar namin, palibhasa e di major hi-way ito e bakas ang kalinisan sa paligid at kasimplehan ng pamumuhay ng mga tao, may mangilan-ilan na magagandang bahay pero kapansin pansin ang berdeng berdeng mga palayan at mga maisan. Sarap sa mata, malamig.

Tanaw ko na ang dagat, senyales na malapit na ko sa pier. Lakas ng alon, humahampas sa breakwater at sa reclaimed area concrete barrier. Parang sumasayaw ang mga bangkang pangisda na nakapondo sa paligid ng dagat. Malakas nga ang alon kasi namumuti ang dagat.

“Naku iho, wala!” Tugon sa akin ng babae sa booth ng tiket nung tanungin ko kung may byahe pang alas dos… Ito ba ang karma ng hindi ko paggising sa unang tunog na aking alarm clock?.. ang lupit mo, tadhana!

Kumain muna ako sa isang turo-turo sa labas ng pier, kalahating serving ng gulay, isang serving ng adobong baboy na napagkamalan kong asado, at isang tasang kanin. Humingi na rin ako ng sabaw. Sulit, busog. Whew!

Bumili na ako ng tiket ng barkong aalis ng alas cuatro. Ngbayad muna ako ng terminal fee na Php30.00 at saka nagbayad ng Php272.00 para sa barko. Gagabihin na talaga ako nito, ayaw ko pa naman na gabihin dahil maalon ang dagat pag gabi, kung maalon na ngayon ano pa kaya mamayang .

Alas tres y medya na e di pa kami pinasasakay sa barko, kalimitan kasi na isang oras before umalis ang barko e nagpapasakay na sila, siguro dahil maalon pa at inoobserbahan pa nila kung kaya ba nila maglayag o ipagpapaliban na lang ang byaheng alas cuatro.

“Attention to all Montenegro Lines ticket holder bound to Marinduque, the four p.m. trip is postponed and will sail at eight p.m. tonight.”

(Tama ang hinala ko!)

Boses iyon ng isang empleado ng Philippine Ports Authority sa Public address system ng terminal. Ano ito, panibagong apat na oras ng pagkainip, apat na oras ng paghihintay, apat na oras ng pagtunganga sa loob ng kwadradong terminal na di gumagana ang mga aircon, kasinghalaga ng ginto ang mga bilihin at nagpi-fiesta sa ang germs sa karumihan ng mga palikuran, samantalang Php30.00 ang terminal fee. Sabi sa akin dati noong tinanong ko kung saan napupunta ang ibinabayad naming sa terminal fee e para daw sa maintenance ng buong gusali. Ulitin ko, MAINTENANCE ng buong gusali.

Dalawang kumpanya ng barko ang bumibiyahe back-and-forth Lucena at Marinduque. Kung tatantyahin umaabot sa libong pasahero ang bumibyahe sa loob ng maghapon. Konserbatibong bilang na ang saradong isang libo mahigit. Sa kada pasahero na sumasakay ng barko magbabayad sya ng P30.00, at iyon ay para sa MAINTENANCE daw umano ng gusali. Susmaryosep!

Ang dali humuthot ng pera sa taumbayan nu?

Pero dahil sa aabot ng pitong oras ang pagtigil ko dito sa terminal building e palagay ko naman na SULIT na SULIT ko ang Php30.00 , hahaha!

Dumidilim na at malakas pa rin ang alon, sabi ko nga kanina lumalakas ang alon sa dagat kapag gabi na at iyon ay napatunayan na. Dumidilim na ang langit at ang paligid , nagbabanta pa ng pag-ulan, pag nagkataon baka postponed na naman ang biyahe ng alas otsong barko.

Sana sa pagkakataong ito… mali na ang hinala ko…

Wakas.

Huwebes, Agosto 26, 2010

Sige, Ngiti Lang Gusto Ko 'Yan!

Username: drissxabi44


Password: ********

Signing In…

Nakakainip kasi ang gabing iyon, umuwi kasi ako sa bahay namin sa Laguna para magbakasyon ng dalawang linggo. Malayong lugar kasi ako naka-assign dahil iyon ang nature of work ko. Pag ginusto ng company na i-assign ka sa kahit saang lugar e wala kami magagawa dahil tanggap namin na ganun talaga, isa pa challenge para sa akin ang magpunta at tumira sa malalayong lugar. May board and lodging allowance naman.

Shit, walang cable sa bahay, walang HBO,walang CNN, walang Starworld, AXN, MTV, FTV at Cartoon Network! Boring. Nakikisabay na lang sa pakikinood sa mga walang kamatayang drama sa teleserye gabi-gabi. Si inay kasi hook-na-hook sa mga seryeng ito kaya pag hawak na nya remote ng TV ayun mistulan kami mga parang mga kapitbahay na lang na nakikinood sa isang pwesto dahil walang sariling telebisyon.

Hmm… makapag-Farmville na nga lang, punta sa kwarto para kunin ang laptop ng aking ate, meron naman kami desktop computer pero ayoko gamitin dahil higit na mabilis itong laptop kaysa don. Tutal ready –to-harvest na rin naman siguro mga tanim ko, bibisitahin ko na rin ang isang application ko-ang Frontierville.

Loading…

Loading……

Loading………

Awts! Ang bagal, dami siguro naglalaro ng Farmville sa mga ganitong oras kaya ambagal. Asar! Pasado alas-nueve y media na noon. Try ko sa frontierville…

Loading…

Loading……

Loading………

Powtek! Ambagal, nakpag-CR at nakapagbrush na ko ng teeth di pa rin tapos mag-load. Papainitin yata nito ang ulo ko ah,…

Yoko na, I give up!

Plants vs. Zombies… (oh the zombies ate my brain, arrrggggghhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!)

Nakakatamad, face-to-face na sa channel 5 nood na lang ako.

May nakita akong cute na icon sa monitor ng computer… Weeh!

Nakangiti, kulay dilaw, may dalawang ga-tuldok lang na mga mata, at hugis bilog! Ano hula nyo? Kung ang sagot mo ay si “Spongebob” mali ka. Ang tinutukoy ko ay ang icon ng “Yahoo Messenger”

Kinlick ko ang icon.. ay tulog pa sya… nakapikit, walang kulay, walang sigla.

Username: drissxabi44

Password: ********

Signing In …

Tumatalon talon na sya ngayon, hanggang tenga ang ngiti kahit na wala naman syang tenga. Masaya ba sya dahil ginising ko sya sa kanyang pagkakatulog o masaya sya dahil na-cu-cute-an din sya sa akin. Hahahah!

Pasok sa YahooChat…

Pili ng Chatroom…

Uy, I like it here. Nag-eenjoy ako, dami tao sa chatroom nakakabingi ang ingay nila, walng tigil ang pagpasok ng mga chat messages, yung iba mukhang magkakakilala na kasi freeflowing na mga kwentuhan, tanungan at alaskahan nila. Bago ako dito at wala ako kilala, dahil lang sa inip kaya nakapasok ako sa chatroom na to, ganun din kaya dahilan ng ilan sa kanila kaya andito lahat sila? Cguro naiinip din sila sa kanila, nagsasawa na din sa telenovela at mga drama series, wala ring cable ang mga tv sets nila at dir in makapaglaro ng Farmville at frontierville.

Ewan ko lang ha pero tuwing napapatingin ako sa taskbar ng monitor ng laptop e andun at nakangiti pa rin ang bilog na kulay dilaw na icon na yun, Masaya marahil sya dahil naeenjoy ko ang serbisyo nya. Hahaha, may ngipin pala sya pag tumatawa.

Nakipag-chat ako sa isang nagmessage sa akin. Nag-eenjoy ako,.. madami kami napagkwentuhan, sari-sari, free-flowing, getting-to-know each other sabi nga sa kanta. .

Tik-talaokk…. Buwisit, alas cuatro na pala. Nagpaalam na ako sa ka-chat ko at nagpahinga ng walang inip at nakangiti. Nag-enjoy talaga ako pakikipag-chat kaya siguro di ko na namalayan ang paglipas ng oras. Masarap makipag-chat, makipagkaibigan, at makipagka-ibig-an.

Kaya para sa’yo dilaw na bilog: Sige ngiti lang, gusto ko yan!

Miyerkules, Agosto 25, 2010

Help MMDA, Help!

si justin bieber kumakanta...
nawala...
kumakanta na naman...
nawala...
powtek sino ba nagpapatugtog ng sirang CD, masisira ang player!

wala naman tao sa bahay ako lang, wala mga kapatid ko nasa kani-kanilang trabaho, wala si inay at si tatay may kani-kanilang craft din na inaaskaso.  E sinong...

kulang pa tulog ko pero kailangan ko bumangon para patayin and DVD player sa living room, pero naka-off naman e, saan galing yung tunog...?

kumanta na naman si justin bieber, ngayon malinaw na nagmumula sa ilalim ng kama ang tunog...

hahaha, cellphone ko pala nag-ri-ring, nahulog pala kagabi sa ilalim ng kama ko, at sa sobrang tagal na walng tumatawag sa phone ko nalimutan kong "baby" ang bagong ringtone ko... (ay tanga!)

hello... (blah, blah, blah...)
ok bye...

sakit ulo ko, parang ang bigat ng pakiramdam, di ako makahinga...

di ako makahinga... totoo!
di ako makahinga... totoo!

barado dalawang butas ng ilong ko... oh shit! may sipon ako, naulanan nga pala ako kagabi.  ang sama ng panlasa ko, naabala pa pagtulog ko, dobleng kabuwisitan yun ah.

walang vicks vaporub, wla ring inhaler.  sana may kalamansi sa ref magtitimpla na lang ako ng calamansi juice. swerte meron hehehe, pucha wa-epek.  di pa rin ako makahinga, singhot dito singhot doon, nagmistulan na akong si rudolph dahil sa kapulahan ng ilong ko, nakakatawa ako tingnan.  parang baradong estero sa maynila na di madaanan ng tubig ang ilong ko, in my case hangin ang di makadaan dahil clogged.  sana katulad ng MMDA na inaayos ang mga baradong estero, maging maayos na sana ang pakiramdam ko mamaya kasi sayang ang bakasyon ko. 

Hachoooo.....

Martes, Agosto 24, 2010

Anim na ang anak sa edad na Beinte y Siete!

Classmate ko siya noong first year high school ako, ang cu-cute pa namin noon palibhasa'y totoy na totoy pa kami pareho.  Sya si Louie, mas matanda ng isang taon kaysa sa akin (6 years old kasi ako nag Grade1, di pa kasi uso noon ang Kindergarten sa school na pinasukan ko.)  Tandang tanda ko pa "pugo" ang madalas na tukso sa kanya ng mga classmates namin kasi semi-kalbo ang gupit nya kaya bilog na bilog ang hugis ng ulo nya, idagdag mo pa dyan ang palaging nakanguso nyang nguso. Pugong  pugo ang dating.

Iyakin si Louie, palibhasa di nya magawang lumaban dahil maliit pa sya kumpara sa matatangkad naming mga kaklase na paborito sya i-bully.

Produkto ng broken family si Louie, ang ama nya ay isang may kayang taga Maynila at ang ina nya ay isang tipikal na babae sa aming probinsya na masasabi ko din naman na nakakaluwag sa buhay.  Hiwalay ang kaniyang mga magulang, dalawa silang naging anak ng nanay niya sa lehitimo nitong asawa at dalawa rin ang naging kapatid niya sa pangalawang naging asawa ng kaniyang ina.

Malapit si Louie sa pangalawa niyang ama, kaya maaari natin siyang ituring na isang Papa's boy.  Ito ang takbuhan nya pag may problema at sumbungan pag may nam-bu-bully sa kanya.

Isang hapon sa silid ng aming paaralan, dumating ng late si Louie kasama ang kanyang ama (pangalawang ama), nagsumbong pala sya rito na binu-bully sya ng kanyang mga kaklase.  Unang beses ko noon nakita ang ama ni Louie at ang pangalawang beses noon ay noong pumanaw na ito, sa pagkakataong ito malamig na bangkay na sya sa loob ng ataul.

Mabait si Louie, relihiyoso, sa katunuyan miyembro sya ng Knights of the Altar sa catholic school na pinapasukan namin. Natatawa ako pag naka-damit pang sakristan na sya para syang puting penguin. hahahah.  Sa kabila noon mapait ang buhay na dinadanas nya, dalawang beses na sya nawalan ng ama. 

Di ko sya naging kaklase noong 2nd year highschool kami, pero 3rd  year magkaklase ulit kami.  Makulit si Louie pero parang escape nya lang yun para pagtakpan ang lungkot sa buhay nya.  Hilig nya ang kumanta at syempre ang mambabae. Tsikboi ika nga.  Mahilig din ako kumanta, yun ang common interest namin kaya pag Christmas Party may intermission number kami. Usong uso noon ang The Moffatts, ung 4 na magkakapatid mula sa Canada, kaya mga kanta nila ang kinakanta namin.  Lahat ngf tracks sa Album nila alam at saulado namin. Pati ung kay Gil Ofarim. hehehehhe.

Noon ko lubos na nakilala si Louie, naging matalik kaming magkaibigan dahil sa halos araw araw e magkakulitan kami sa school.

May mall na malapit sa school namin, may videoke station doon sa harap ng sinehan katabi ng arcade.  Doon kami tumatambay para mag-spot ng babae. Totoy na totoy pa rin mga hitsura namin noon, siya mukhang pugo, ako mukhang bibi kasi payat ako noon at mahaba leeg.

Ganon takbo ng pagkakaibigan namin during 3rd year, nag 4th year kami at magkaklase na naman, pero this time nadagdagan kami ng dalawa pa. Apat na kami ngayon.  Kaya tinawag namin na Moffatts ang aming mga sarili. Ako ang pinakabata kaya ako ang bunsong Moffatt (Dave), si  Louie ang pinkamatanda kaya sya ang panganay na Moffatt (Scott) Pero mahirap pala pag sobrang close at attached ang magkakaibigan, konting di mapagkasunduan-tampo agad.  Ang dalawa pa naming barkada ang naging dalawa pang Moffatts (Clint at Bob).

Minsan, isang linggo di pumasok si Louie, nag-aalala kami, walng pasabi, wala pa noong cellphone at wala naman sila landline.  December noon at malapit na ang Christmas vacation.  Kulang ang grupo namin kaya ang balak na mag-intermission sa Christmas party ay di na natuloy.  Laking gulat naming tatlo nang umattend sya ng Christmas party, naka itim na pantalon, itim na rubber shoes at itim na t-shirt. Namatayan ba sya?

Dahil na rin sa matagal sya walang pasabi at labis ang pag-aalala naming mga barkada nya e may namuong tampo sa amin at sinadya naming di siya lapitan.  Nakakaawa ang hitsura nya, malayo sa bibo at masayahing si Louie.  Gustuhin ko man na kausapin sya at alamin ang nagyari sa kanya e hindi ko na nagawa lalo na't ipinagsabi nya at nakarating sa amin na "hindi na s'ya isang Moffatt"

WTF, bakit?  Anong problema nya, mawawala sya ng matagal, walng pasabi, heto sya't itinatakwil kami.  Papasko pa naman.

Group picture na para souvenir ng Christmas party, doon namin napansin ang mga mata ni Louie na pawang mapupula. Di naman namin maituturing na galing sya sa pag-iyak dahil di naman maga kanyang mga mata.
Aba, iba na 'to.  Pagkatapos ng party, doon ko sya nilapitan at kinausap.  Iba sya makipag-usap ngaun parang may angas at yabang.  Pinapaamin ko sya kung gumagamit ba sya ng droga (dahil yun ang hinala ko na dahilan ng kanyang mapupulang mata.)  Tumanggi sya at sinabing allergy daw iyon.  Di nako nag-pilit pa. Ang nais ko lang noon ay makausap sya at alamin kung bakit nawala sya ng matagal at least bago man lang mag holiday vacation.

Naging ok na ulit ang grupo namin eventually, sa fieldtrip kami magkakasama sa huli ng bus, doon sa mahabang hanay ng mga upuan.  Kami magkakasama sa picture, at kami ang magkakasama mamasyal.  Parang tunay na talaga kami magkakapatid.

Malungkot na ang sumunod na mga buwan dahil di lingid sa isip namin na malapit na ang graduation day, magco-college na kami at tyak maghihiwa-hiwalay na.  Kaya naman sinusulit namin ang mga nalalabing mga araw na magkakasama kaming magkakaibigan.

Dumating ang araw ng graduation at yun na rin ang huling mga araw na magkakasama kami.  Nagkahiwahiwalay na kami nag landas, ung isa nag-aral sa isang Unibersidad malayo sa lugar namin, ang isa nag-aral sa isang medical school, ako doon na rin nagkolehiyo kung saan kami nag-highschool at si Louie ay nag-aral sa isang computer college.

"Pare, sama ka sa akin papunta ako sa lying-in clinic, nanganak na ang gf ko."  Bungad sa akin ni Louie ng minsang makasalubong ko sya sa paglalakad.  "Ha, seryoso ka?" un lang mga nasabi ko at sumama ako sa kanya.  Isang maliit na sanggol na babae ang aking nakita.  Ito ang una niyang anak.  Pinangalanan nya itong Cassie.  Maganda si Cassie manang mana sa kanya ang kulay - maputi.  Di maitatangging anak nga nya ito dahl magkapareho sila ng labi na palaging nakanguso. hahahah

Di nagpakasal si Louie at ang gf nya pero sinubukan nila mag-live-in ng ilang taon, sa loob ng mga taon na yun, marami pa syang mga naging gf na minsan pinagsasabay-sabay niya, apat sa mga ito ay naanakan din nya.  Lahat panganay.

Di nagtagal ay naghiwalay din sina Louie at ang gf na kalive-in nya, nahihirapan daw sya sa ugali ng babae, mabunganga, mataray at selosa.  Kahit ako ayoko ng selosa!

Nakakilala din si Louie ng babaeng higit na may edad kaysa sa kanya ngunit maganda pa rin at mukahang bata, alam kong pera lang habol niya mula rito kaya tinolerate ko na lang.  Minsan sumasama ako sa kanya sa bahay ng babae na ito at dun ko nalaman na ang panganay na anak pala nito ay halos ka-edad na namin.  Oh my gulay! 

Totoo maganda pa at mukhang may asim pa ang babae kaya hinayaan kong magpakasaya si Louie, tutal di naman na nya ito maaanakan dahil nagkasakit ito ng myoma sa matris at sinabi ng doktor na imposible na ito mabuntis, kaya kahit gabi-gabi sila magtalik ay ayos na ayos lamang.

Nag-abroad ang babae at naiwan na uli si Louie na nag-iisa, ako naman ay nakapagtapos na ng kolehiyo noon at kasalukuyang nagtatrabaho na.  Si Louie ay tumigil sa pag-aaral.  Minsan nakasalubong ko siya sa mall na may kasamang batang batang babaeng estudyante.  "Pare this is my girlfriend, and she's pregnant."  Ah powtek. estudyante tapos buntis. Lufet!

Ninong ako sa bata at pagtapos ng isang taon nasundan na agad ito.  "Pare nakaka-pito ka na pala ano?!" biro ko sa kanya minsang pumasyal sya sa bahay namin.  "Beinte y Siete pa lang ako at pare anim dun lhat panganay" tugon nya.

Naiisip ko pano pag namatay si Louie, magkikita-kita lahat ng mga anak nya. Ang saya nun.

Ngayon, kasal si Louie sa huling naanakan nya.  Magkasama sila sa iisang bubong at itinataguyod ang kanilang pamilya.  Ngunit nakakasama ng loob ko ay ang mga kalokohan pa rin ni Louie hanggang ngayon, despite sa todong pagmamahal sa kanya ng kanyang asawa e lihim pa rin syang nakikipagtagpo sa isang babaeng bumabalik sa kanya, ang isang babaeng naanakan nya. May pera ito dahil nagtrabaho sa Japan at iyon ay sinasamantala ni Luoie upang may maipakain sya sa kaniyang pamilya.

At ang babaeng mas may edad sa kanya ay may constant communication pa rin pala sa kanya at ito ay nakatakdang umusi ng Pinas ngayong taon at sila raw ay magbabakasyon sa isang resort paguwi nito.  Muli, ang dahilan nya sa akin,  "Pare, ginagawa ko lang to para rin sa pmilya ko."

Iniba ko na lang ang usapan dahil di ko talaga sya maunawaan..........

Ang Sakit Kong Pang-Mayaman!

Di ko mabasa ang naksulat sa medical certificate na iniabot sa akin ni Doc.

Powtek, Arabo ba tong si Doc bakit ganito ang sulat?! 

Periodic Hypokalaemic Paralysis, ah un lang pala naman yun...

eto yun:
HYPO means LOW or UNDER (opposite ng hyper which means high or over)
KALIUM means POTASSIUM (kaya K ang ang element symbol ng potassium sa periodic table)
AEMIA means IN THE BLOOD

pag pinag-sama-sama ito:  Hypokalaemia or Low Potassium in the Blood



Sabi ng Nurse:  Normal serum potassium levels are between 3.5 to 5.0 mEq/L]; at least 95% of the body's potassium is found inside cells, with the remainder in the blood. (Oo English speaking sya, buwisit!)

Sabi ng Wikipedia:  Mild hypokalemia is often without symptoms, although it may cause a small elevation of blood pressure,and can occasionally provoke cardiac arrhythmias. Moderate hypokalemia, with serum potassium concentrations of 2.5-3 mEq/L, may cause muscular weakness, myalgia, and muscle cramps (owing to disturbed function of the skeletal muscles), and constipation (from disturbed function of smooth muscles). With more severe hypokalemia, flaccid paralysis, hyporeflexia, and tetany may result. There are reports of rhabdomyolysis occurring with profound hypokalemia with serum potassium levels less than 2 mEq/L. Respiratory depression from severe impairment of skeletal muscle function is found in many patients.
Some electrocardiographic (ECG) findings associated with hypokalemia are flattened or inverted T waves, a U wave, and prolongation of the QT interval. The prolonged QT interval may lead to arrhythmias.

Di ko na ieelaborate po, sa kasalukuyan busy ako pagpupunas ng dugo na tumutulo sa ilong ko! Whoo!  Mukhang self explanatory naman e. Hahahha!


Ilang dahilan ng sakit na ito:

Hypokalemia can result from one or more of the following medical conditions:

Inadequate potassium intake

Perhaps the most obvious cause is insufficient consumption of potassium (that is, a low-potassium diet). However, without excessive potassium loss from the body, this is a rare cause of hypokalemia.



Gastrointestinal/integument loss

A more common cause is excessive loss of potassium, often associated with heavy fluid losses that "flush" potassium out of the body. Typically, this is a consequence of diarrhea, excessive perspiration, or losses associated with surgical procedures. Vomiting can also cause hypokalemia, although not much potassium is lost from the vomitus. Rather, there are heavy urinary losses of K+ in the setting of post-emetic bicarbonaturia that force urinary potassium excretion.
 
Urinary loss

Certain medications can cause excess potassium loss in the urine. Diuretics, including thiazide diuretics (e.g. hydrochlorothiazide) and loop diuretics (e.g. furosemide) are a common cause of hypokalemia.
 
 
 
Pang mayaman talaga ang sakit ko!
Pang mayaman talaga ang sakit ko!

Pang mayaman talaga ang sakit ko!
Pang mayaman talaga ang sakit ko!
Pang mayaman talaga ang sakit ko!
 
  
 
Ang mahal pa ng gamot ha,
POTASSIUM CHLORIDE (Kalium Durules 750mg Tab)
Sustained Release, Antihypokalaemia
Maufactured by InterPhil Laboratories, Inc. for AstraZeneca Pharmaceutical (Phils), Inc.
Php 23.75 per Tablet, Signa:  2 tabs twice a day or when needed.
 
------------------------------------------------------------------------------

But there are alternatives kung namamahalan ako sa gamot at wala
ako pera,  prutas at gulay.

Number 1:   Bananas
Number 2:   Potatoes
Number 3:   Soya     at marami pang iba!

Eh 'di magsumbong ka!

Isang ordinaryong araw iyon sa isang drugstore kung saan ako nagta-trabaho ng...

Empleado:  Sir may naghahanap po sa inyo.
Ako:  Sino iyon hijo?
Empleado:  Customer po, gusto ka daw po makausap?
Ako:  Bakit kaya raw?
Empleado:  Gusto po mag-avail ng discount sa Senior Citizen pero kulang po ang requirements na dala.

Para sa kaalaman ng lahat, ayon sa batas na umiiral sa Pilipinas, maaaring makakuha ng 20% discount ang
mga senior citizens (SC) mula sa mga binibili nilang gamot kung kumpletong maipakikita ang mga sumusunod na dokumento:
1.  ID ng SC mula sa Office of the Senior Citizens' Affairs (OSCA) o anumang ID na magpapatunay na ang SC ay 60 taon gulang na o pataas pa.
2.  Purchase booklet
3.  Reseta ng doktor (kahit OTC lang ang gamot kelangan pa rin nito)
4.  Authorization letter kung hindi personal na makakabili ang SC at iniutos lamang sa iba.
Kung wala ang alin man sa mga nabanggit ay, di mabibigyan ng discount and SC, makakabili pa rin sya ngunit sa regular price na.)

Ako:  Sige hijo, susunod na ako.
Empleado:  Salamat po, sir!

Pinuntahan ko ang customer at doon napag-alaman ko na hindi pala sya ang mismong SC, iniutos lang iyon sa kanya ng kanyang kapatid (which happened to be the SC),  di daw sya bigyan ng empleado ko kasi walng authorization letter.  Nagtatanong sya kung bakit kailangan pa noon e malinaw naman daw na sa ate nya yun gamot dahil maintenance medicine nya ito.

Ipinaliwanag ko na kailangan talaga ang authorization letter dahil mismong batas ang nagsasaad nito.  Sinabi pa nya na mali ang patakaran namin na un.  Ipinaliwanag ko na kahit basahin pa nya ang purchase booklet e nakasaad sa likod nito ang probisyon ng batas tungkol dito.

Parang sya pa ang galit despite sa mahinahon kong paliwanag.  Naikwento nya na kahapon daw e mismong ang kanyang kapatid (SC) ang pumarito sa botika para bumili ng gamot ngunit wala naman sya dalang reseta dahil naiwala raw yata.  Samakatuwid di rin nabigyan ng discount.  Ngayon araw na siya naman ang papunta ng bayan e ipinasuyo sa kanya ng ate nya (SC) ang pagbili ng gamot nya ipinadala ang ID at purchase booklet.

Nasaan kaya ang reseta?

Wala rin palang dala na reseta ang customer na nagrerekklamo ngaun sa harapan ko, pero sabi ng empleado ko na doktora daw iyong ale at gagawa na lang sya ng reseta para sa gamot ng ate nya ON-THE-SPOT at humingi sya ng isang papel kani-kanina pa para sulatan ng reseta.  Pero sa oras na magkausap kami ay di pa nya nasulatan ang papel dahil nga siguro sa problema naman sa authorization letter.  (Buti hindi nya sinabi na pahingi din papel igagawa ko ng authorization letter ang ate ko ako na rin PIPIRMA.)

Sinabi ko na pasensya na dahil di namin maibibigay ang discount dahil kulang ang requirements. Ganunpaman, para may mainom na gamot ang ate nya maaari naman sya makabili ng gamot sa regular price. Bumalik na lang sya o ang SC na dala ang kumpletong dokumento sa mga sunod na mga araw para makaavail ng 20% discount na ngayon ay computed na base sa presyong inalisan pa ng VAT.

FYI:  Noong July 6, 2010 nag-take effect ang VAT exemption sa mga transactions ng senior citizens, e.g. sa pagbili ng gamot.

Halimbawa:   Ang rehular price ng gamot ay Php 112.00
Computation:     Regular Price       112.00
                         Less VAT          -  12.00
                         Net of VAT         100.00
                         SC Discount      -   20.00
                         Discounted Price   80.00

See, mula 112 pesos, 80 na lang, lugi na kami.

kaya kung naghihigpit kami, yun e dahil sumusunod lang kami sa tama.
sabi ng batas maaari raw ireklamo ng SC ang mga drugstore na di nagbibigay ng discount kahit may mga requiremnts,

Pero sinasabi din ng batas na maaari din magreklamo ang mga drugstore kung may mga umaabusong SC, dahil ito ay PRIBILEHIYO lamang po para sa mga mahal nating SCs.  Kaya kung di sumusunod sa patakaran na mismong mga mambabatas ng Pilipinas ang nag-akda eh di natin mabibigyan ng disxount.

Cutomer:  KALOKOHAN IYAN, MAI-ERE NGA ITO!

Ako:  Sige po ma'am, ayos lang po, iparating nyo po sa opisina ng OSCA, tutugon na lang po kami.

sayang!

Miss Mexico Jimena Navarrete, of Guadalajara, beat out 88 other women from six continents at the 59th annual pageant held in Las Vegas, broadcast live on NBC.
Miss Jamaica Yendi Philipps took second place, Miss Australia Jenista Campbell took third, Miss Ukraine Anna Poslavska got fourth, and Miss Philippines Venus Raj—the projected favorite coming into the competition—took fifth place
 

Miss Philippines Venus Raj: What is one big mistake you've made and what did you do to make it right? She says she hasn't made any major mistakes, then gives a shout-out to her family. "Thank you so much that I am here." --nasagot ba nya ng tama, hindi yata!

'Yan tuloy, fifth place lang.  Sayang.

Kasi kung tatagalugin ko ang sagot nya:  "Di pa ko nagkaroon ng malaking pagkakamali sa buhay ko (((I'm almost perfect))) sana idinugsong nya.

Sayang.